Sabi ni Peach mag blog na daw ako...
Blog? hindi sya bago sa pandinig ko. Pero sa tingin ko, hindi sya para sa akin. Ano naman ang malay ko sa pag susulat? pero subukan natin... M3.. (malay mo madevelop..)
Teka, ano nga ba ang blog? - akala ko noon binibigkas sya as B-log as in tagalog ng round. (heheh halatang walang malay sa terms eh) Blog pala as in Web log. Parang personal journal, na parang diary. Yun lang open sya for public viewing.
Madalas akong magbasa ng blog. May mga ilan nga na talagang inaabangan ko. As a craft addict, syempre natural na maging paborito ko ang kahit anong tungkol sa mga crafts. Lalo na yung mga mag libreng tutorials kung paano gawin ang mga bagay-bagay at mga tips and tricks.
Sobrang inaabangan ang blog ni Angeli Sobrepena, (http://beadladyangeli.blogspot.com/ ) - marami syang mga tips and tricks tungkol sa polymer clay. Ang totoo gusto ko ring maging kagaya nya one day. Para syang super hero.. ang lakas ng powers nya! kaya nyang mag manage ng online at physical store, mag turo, mag guest sa mga shows, mag organize ng mga events, sumali sa bazaars, mag create ng mga art beads.. at mag sulat ng blog na sinusindan ng marami! galing nya noh? kaya ko bang maging kagaya nya? malabo yung mangyari... sabi ko nga kay Peach, im just a crafter, not a writer. at malamang wala akong super powers na kagaya nya.
Inaabangan ko din ang blog ng paborito kong clayist na si Rocky Antonio (http://theclayingmommy.blogspot.com/ ) -bakit? kasi nai-blog nya na ako at ang mga crafts ko... (Hehe! ang babaw!) masasabi ko rin na naging mag kaibigan kami after ng workshop ko sa kanya... and i am proud to say, FAN nya ako. Natutuwa akong basahin ang simple at hindi kumplikado nyang blogs. Makikita mo na isa din syang simpleng babae, masarap kausap, at kagaya ko, addict din sa crafting. Mommy sya ng bibong bibong si Liam. Hindi ko maimagine kung pano sya nakakaupo sa lamesa para gumawa ng crafts with super kulit Liam., siguro meron din syang super powers... ano sa tingin mo?
Isa pa sa paborito kong clayist ay si Jen Cruz. syempre, meron din syang Blog! (http://purpleluggage.blogspot.com/ )- dun ko nakita na hindi pala ako nag iisa na gumagamit ng CA (pandikit) na nabibili sa wellmanson, hindi ko maintindihan pero natuwa ako.. parang na confirm nya na tama ang ginagawa ko. At syempre, super excited akong nag aabang ng mga bago nya pang entries na punong puno ng tips and tricks! katatapos ko nga lang basahin lahat ng entries nya.. talaga namang punong-puno ng mga makabuluhang ideas. Sana hindi sya magsawa...
May nakilala ako sa web.. nakakatuwa talaga sa e-world noh! kahit san ka naroon.. makakausap mo kahit sino, real time! alam nyo ba na nakilala ko ang mga kapatid kong nawawala dahil sa web???? grabe ang experience.. ill post that experience sa mga susunod na article... (kung masusundan pa to) for now balik muna tayo sa nakilala ko sa web... Si Peachy Reyes Alvarez,( http://peachyalvarez.blogspot.com/ )- i consider her as my sister kasi pareho kaming nag workshop kay Rocky. - Parang iisa ang mentor namin. Simple lang din ang blog nya kadalasan, may sense... parang critic's review o mga pananaw nya sa mga bagay bagay. Hindi sya madamot sa pag si-share ng mga tips, at doon ako natutuwa. kaya lagi kong hinihintay ang iba nya pang isusulat.. malay mo minsan maisulat nya din ang mga crafts ko.. matutuwa ako ng bonggang bonga! siya nga pala ang tinutukoy kong Peach na nag sabi sa akin na mag blog na ako.
Pero hindi lahat ng blog na inaabangan ko eh yung puro about crafts lang... Kilala nyo ba si PULIS PANGKALAWAKAN? ( http://klsp.blog.friendster.com/ )- ahhhh sya ang pinaka paborito kong blogger.. marami kaming nag hihintay ng mga bago nyang isusulat... kakaiba ang paraan nya ng pag susulat... habang binabasa ko ang article na gawa nya.. para akong nasa loob ng sinehan... nakikita ko ang bawat eksena... nararamdaman ko kung ano man ang nararamdaman ng mga characters... parang isa ako sa kanila... parang nandun ako mismo sa setting ng mga pangyayari...
Nakakatuwa.. nakakaaliw... at nakakatawa ang karamihan sa mga blogs nya... sabi nya, di nya din maintindihan kung bakit marami ang nag aabang sa mga isusulat nya, eh sa totoo lang napaka selfish naman ng blog nya. Puro tungkol sa sarili, experiences at mga bagay bagay na nangyayari sa paligid nya. Tinanong ko din ang sarili ko, bakit nga ba? eh tunay naman na selfish ang blogs nya. Siguro sadyang mababaw lang ang kaligayahan ng mga pinoy. Hindi nga bat nagagalit ang karamihan kapag namatay ang bida sa soap opera? ang pinoy nga naman... at isa pa, masyado namang boring kung talakayin nya ang pulitika, o kung ano ang opinyon nya sa reproductive health.
Minsan maaga kong natapos ang trabaho ko sa opisina. "Masilip nga ang archive ni Pulis..." Browse.. browse... ang dami nya kasing entries.. "ah eto... mukhang maganda to.." 'MY FIRST PSEUDO LOVE' at ayun na... hahahaha! grabeh! yun ang blog na sadyang nagpatawa sa akin! sa totoo lang, hindi naman masyadong mahigpit sa trabaho namin pag dating sa internet usage.. pero syempre, di naman tama na garapalan kong ipakita sa madlang people na nag babasa ako ng blog during office hours! pero di ko talaga mapigilan ang tumawa! as in nag takip ako ng bibig kakapigil.. kinailangan ko pang tumayo at itigil ang pagbabasa para lang ma cool down ako! (noon sinabi ko sa sarili ko, di na ko mag babasa ng blog ni Pulis pag office hrs... baka matanggal ako sa trabaho dahil sa kanya!)
May nag bubukas pa ba ng friendster? doon kasi nakalagay ang blog nya... sa ngayon bihira ko na mabasa ang mga entries nya, kasi naman FB na tayo.... kaka add ko lang sa kanya sa FB.. now lang.. tanggapin nya kaya? hintayin natin.. baka naman sa blogger na din sya nag popost.. :)
2 comments:
ka musta hindi..blah, blah
anu???
Post a Comment